Kasabay sa apat pang sports na kasalukuyan nang idinaraos at nakahanay sa kalendaryo ng Palarong Pambansa bilang demonstration sports, mabuting pag-aaralan ng Kagawaran ng Edukasyon ang panukalang ibalik ang cycling sa taunang school-based multi sports competition.

Ito ang inihayag ni DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali noong nakaraang Miyerkules ng hapon matapos ang ginanap na Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng mga kinatawan ng lalawigan ng Davao del Norte, ang host ng 2015 Palarong Pambansa, at mga opisyal ng kagawaran sa pamumuno ng kalihim na si Bro. Armin Luistro.

Ayon kay Umali, ang lahat ng 17 sports disciplines na nakahanay sa kalendaryo ng Palaro ay isinasaad at iniatas sa batas na kinabibilangan ng archery, arnis, swimming, athletics, badminton, baseball, boxing, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, tabale tennis, taekwondo, tennis, at volleyball.

Kabilang din sa pinag-aaralan ng DepEd para isama sa Palaro ang sports na biliards, futsal, wushu at wrestling.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

``Tinitiyak po namin na ang lahat ng ito ay pinag-aaralan naming mabuti kasama ng apat pang demosntration sports kung kinakailangan at nararapat na isama sa mga event ng Palarong Pambansa,`` pahayag ni Umali.

Una nang iminungkahi at nagpasa ng kaukulang panukala sa pamunuan ng DEpEd ang liderato ng PhilCycling, ang local governing body ng sport sa bansa, sa pangunguna nina chairman Bert Lina at pangulo nito na si Congressman Abraham “Bambol” Tolentino para ibalik ang cycling bilang isa sa mga regular event ng Palaro.