Illegal ang pagbibigay ng bonus at allowances sa mga empleado ng Philippine Health Corp. (PhilHealth) na aabot sa P1.761 bilyon noong 2013.

Sa inilabas na COA report, binanggit ng ahensya na walang legal basis ang PhilHealth sa pagbibigay nila ng insentibo sa mga empleado nito.

Tinukoy din ng COA ang inilabas nilang notices of disallowances kung kaya’t kuwestiyunable ang naging desisyon ng PhilHealth na ituloy ang pagkakaloob ng bonus at allowance sa mga opisyal at kawani nito.

“Despite the issuance of the NDs and several decisions denying their appeals and affirming the disallowances, management continuously granted the aforementioned benefits and allowances without obtaining the required approval of the Office of the President,” pagtatanggol ng COA sa kanilang report.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ayon sa COA, nagbigay ang PhilHealth ng unauthorized incentives sa officers at workers noong 2013, kabilang na ang subsistence at laundry allowances na aabot sa P53.131 milyon, productivity incentive allowances at bonuses (P302.954-M) at hazard pay (P96.157-M).

Isinama rito ang anniversary bonus (P33.809-M), rice benefits (P106.069-M), educational allowances (P279.045-M), Christmas package (P242.037-M) at shuttle service assistance (P132.8-M).

Nagpalabas din ang PhilHealth ng Labor Management Relation Gratuity pays na P155.252-M, birthday gifts (P38.306-M), medical at mission critical allowances (P21.823-M), corporate transition at achievement premium o grocery allowances (P118.241-M), at iba pang financial benefits.

Dahil dito, nagpalabas na ng rekomendasyon ang CoA upang maipatigil ng PilHealth ang pagbibigay ng bonus at iba pang insentibo maliban lamang kung may go-signal si Pangulong Benigno Aquino III.