Bea-Jake-copy

NAPANSIN ng entertainment press sa presscon ng Liwanag Sa Dilim na may lover’s quarrel ang mga bida sa pelikulang sina Jake Vargas at Bea Binene.

Saan ka nga naman nakakita na habang isinasagawa ang Q and A ay hindi man lang nag-uusap sina Jake at Bea at hindi man lang inalalayan ng young actor ang young actress habang patungo sa presidential table.

Kaya talagang kinulit silang tanungin kung hiwalay na sila.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

“Okay naman kami,” mabilis na sabi ni Jake.

Walang naniwala kay Jake kaya binalingan ng tanong si Bea na hindi nakapagkaila dahil umamin.

“Parang ang hirap i-turn into words. Basta kung anuman kami ngayon, okay kami, at kung baga, nasa panahon lang ‘yan. Kung anuman ‘yun, maaayos din naman for sure. Maaayos din ‘yun kahit ano po ‘yun. Basta kami, okay kami,” pagtatapat ng dalaga.

May pinagdadaanan ba silang dalawa?

“Opo,” pag-amin na rin ni Jake, “pero okay po kami.”

Samantala, sina Jake at Bea ang bida sa pelikulang Liwanag sa Dilim kaya ito ang pinaka-launching movie nila. Kaya pressured si Bea.

“Siyempre, hindi naman mawawala ‘yung pressure kasi siyempre, iba naman ito sa TV. Dito, kailangan pang magbayad ng mga tao para manood ng pelikula. Basta ito, para sa akin, itong pelikulang ito, something to be proud of talaga. Nakaka-proud po siya and maganda po talaga.

“Lahat naman kami, nandoon ‘yung pressure, and we’re all praying and hoping na maging maganda ang kalalabasan ng pelikulang ito.”