Apat na barangay mula sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan) ang ginawaran ng pagkilala ng Department of Health (DoH) para sa National Search for Barangay with Best Sanitation Practices (NSBBSP), sa isang seremonya na sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.
Ayon kay DoH-MIMAROPA Regional Director Eduardo Janairo, kabilang sa mga barangay na ginawaran ng parangal ay ang Maniwaya ng Sta. Cruz, Marinduque (1st); Danao sa Cajidiocan, Romblon (2nd); Tagbac at Binakas sa Lubang, Occidental Mindor (consolation prices).
Nabatid na ang mga barangay ng Maniwaya at Danao na tumanggap ng P150,000 bilang insentibo dahil sa pagpapatuloy ng health at sanitation sa kanilang komunidad, ay lalaban naman para sa national awards.
Ang regional nominees ay ini-evaluate ng Regional Technical Working Group batay sa mga sumusunod na criteria: 1) mga tahanang may sanitary toilet facilities, 25%; coverage ng mga tahanang may access sa malinis at ligtas na tubig, 25%; pagpapahusay ng sanitary toilet, 25%; at aprubadong barangay budget para sa water and sanitation.
Kabilang din dito ang local sanitation initiatives tulad ng wastewater, solid waste management, clean and green program, legislative support at community involvement.