Dumating na sa bansa ang bomb sniffing dogs mula sa United States na gagamitin para sa pangangalaga ng seguridad ng 22 lider sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa Nobyembre, 2015.

Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Carmelo Valmoria na sa pangangalaga na nila ang 20 bomb sniffing dogs na mula sa US at dinala sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sinabi ni pa ni Ronald Dizon, Philippine National Police (PNP)-US anti-terrorism assistance program (UTAP) program manager, nagsimula na kahapon ang pagsasanay ng mga aso at tatagal ito ng pitong linggo.

Kasama sa training ang 22 police handler-trainees mula sa Special Action Force (SAF), National Capital Region Police Office (NCRPO) at Aviation Security Group (ASG).

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang mga bomb sniffing dogs ay ikakalat sa iba’t ibang lugar na pagdadausan ng mga pagpupulong ng mga lider ng mundo.