Inihayag ni Baler Mayor Nelianto Bihasa na inaprubahan na ng pamahalaang bayan ang pagpapatupad ng ordinansa na nagbabawal sa pag-inom ng alak at paninigarilyo sa baybayin ng Baler sa Aurora.

Ayon sa alkalde, layunin ng ordinansa, na inakda ni Councilor Meinardo Tropicales, na maiwasan ang gulo, ang pagkawala ng buhay dahil sa pagkalunod, at polusyon para sa kaayusan at kalinisan ng mga komunidad malapit sa mga baybayin.

Ang mga unang lalabag sa ordinansa ay bibigyan ng warning, habang sa ikalawang paglabag ay pagmumultahin naman ng P1,500, at P2,500 sa ikatlong paglabag.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho