SPYROS-619x491

TINANGHAL na unang grand champion ng “PINASikat” ang brother duo na Spyros para sa kanilang nakakabilib at makapigil-hiningang performance gamit ang diabolo o Chinese yoyo sa grand finals ng talent competition sa Ynares Center noong Sabado (Enero 24).

Nag-uwi ng P1 milyon at house and lot mula sa Camella ang magkapatid na Marc at Marco Betito, parehong college students, na lumaki sa New York at ngayon ay nasa Pilipinas na para lalo pang makilala ang kanilang kultura at ibahagi ang kanilang talento.

Ang performance nila ang tanging nakakuha ng standing ovation sa lahat ng mga hurado na binuo nina Zsa Zsa Padilla, Iza Calzado, Sunshine Cruz, Epy Quizon, Nikki Valdez, Myrtle Sarrosa, Bayani Agbayani, Pooh, Arjo Atayde, Meg Imperial, Matt Evans, Abra, Jimmy Bondoc, Bangs Garcia, Arron Villaflor, Dominic Ochoa, Assunta de Rossi, Gino Padilla, Precious Lara Quigaman, at ang resident hurado at host na si Jhong Hilario.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maging ang madlang pipol ay humanga sa performance ng magkapatid na napanood na nagpapasahan ng diabolo at iba pang nakamamanghang tricks, kaya perfect 10 ang ibinigay na score sa kanila ng lahat ng nanood sa Ynares Center.

Tinalo ng Spyros ang 15 iba pang grand finalists mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas sa talent segment na tumakbo ng limang buwan.

Tinutukan ng mga manonood ang huling showdown ng “PINASikat” finalists kaya nakapagtala ang programa ng national TV rating na 18.4%, lamang ng halos walong puntos sa kalabang programa na nakakuha lang ng 10.5%, base sa resulta ng survey ng Kantar Media.

Samantala, patuloy pa rin ang pagpapasikat ng madlang pipol sa nangungunang noontime show sa pagbabalik ng patok na segment na “Kalokalike” na ngayo’y nasa “Face 3” na. Para sa mga may kamukhang artista, singer, dancer, atleta, o sinumang sikat, local man o taga-ibang bansa, na gustong mag-audition, pumunta lang sa ABS-CBN Audience Entrance sa Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes, 3-5PM, magdala ng valid ID, at hanapin lang si Bing Ramos o Danjosh Zacarias. Maaari ring mag-email ng litrato o video sa [email protected] kasama ang pangalan at contact details.

Makisaya sa buong barkada ng It’s Showtime, 12:15 PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12 NN tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter, @ItsShowtimeOfficial_IG sa Instagram, o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena.