NEW YORK (AFP) – Inilunsad ni Rihanna, ang nangunguna sa charts dahil sa kanyang pop-driven R&B sound, ang isang acoustic song na kolaborasyon nila ng Beatles legend na si Paul McCartney.

Sorpresang inilabas ni Rihanna noong sabado ang kanyang bagong single na FourFiveSeconds, na nagtatampok sa kilalang robust voice ng Barbados-born singer na may backdrop ng guitar strumming ni McCartney at walang percussion o electronic elements. Tampok din sa kanta ang ilang linya na inawit ng rapper na si Kanye West.

Ito ang pinakabagong kolaborasyon nina West at McCartney, na sorpresa rin ang paglalabas sa publiko ng awitin noong New Year’s Day matapos silang magkita sa Los Angeles.

Ang FourFiveSeconds ay awitin tungkol sa personal na pagtitiis at pagkalito, kasama si Rihanna na kumanta ng, “We got three more days ’til Friday / I’m just trying to make it back home by Monday morning.”

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

Mahihiwatigan sa kanta ang magiging direksyon nina Rihanna at West na magkahiwalay na naglunsad ng kani-kaniyang bagong album ngayong taon.

Si Rihanna, na nakapaglabas na ng pitong studio albums, ay sumikat bilang international superstar na may electronic-dominated songs tulad ng ballad na Diamonds at ang nakakapagpaindak na Only Girl (In The World).

Ang kanyang musika ay madalas na natatakluban ng kanyang magulong relasyon sa kapwa singer na si Chris Brown, na umaming guilty sa pananakit nito sa kanya noong 2009.