MINSANG narinig ko ang sinabi ng classmate ng aking dalagita nang magawi ito sa aming tahanan: “Pagsasabihan lang ako ni Nanay, tapos wala na, balik uli ako sa barkada.”

Hindi naman matagal bago kumintal sa ating isipan na ang mga salita ay nagtataglay higit na bigat kaysa ating inaakala. Naiimpluwensiyahan nito ang ating pag-iisip, damdamin, pagkilos. Kahit na katiting na salita ay may gahiganteng kahulugan.

Kahit ninanais mong matamo ang pinakamagandang trabaho, mapabuti ang iyong pakikipagkaibigan, sagipin ang pagsasama ninyong mag-asawa o mapanatili ang inyong kasambahay, malaki ang epekto ng mga salitang iyong binibigkas. Ang pinakasimpleng salita - na kung minsan ay ipinagwawalang-bahala natin - ay may kapangyarihang manakit o magpahilom, magdulot ng inspirasyon o sumira ng pangarap, makatulong o makahadlang.

Narito ang ilang halimbawa ng maliliit na salita na may gahiganteng kahulugan:

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

  • Salamat. - Dahil nais nating lahat na pinahahalagahan tayo, parang umaawit ang ating puso sa ligaya kapag narinig natin ang salitang ito. “Salamat ha” “Maraming salamat po” “T.Y.” “Salamat na lang nariyan ka” “Salamat sa tulong mo” - ang mga salitang ito ay pagkain ng ating kaluluwa.
  • Pinatatawad na kita. - Lahat tayo ay nagkakamali. Gayong hindi naman natin sinasadya, maaaring nasasaktan natin ang ating mga kaibigan, mga anak, kaopisina, asawa, atbp. Ang mga salita ng kapatawaran ay nagpapahilum ng pusong sugatan. Kung talagang nagkasala ka, hindi ba kay sarap pakinggan ang “Pinatatawad na kita” na binibigkas ng iyong nagawan ng pagkakamali?

Sundan bukas.