MONROVIA (AFP) – Isang matingkad na simbolo ng bangungot na bumalot sa kanlurang Africa sa kasagsagan ng Ebola outbreak, binaklas na ang ELWA-3 treatment centre sa pagkaalpas ng rehiyon sa salot.

Ang pinakamalaking Ebola unit na itinayo sa kabisera ng Liberia, ang Monrovia, na may 120 higaan noong Agosto 17, 2014 ngunit kaagad na napuno, at napipilitan ang mga staff na itaboy ang mga pasyente sa kanyang pintuan, sa kabila ng mahigit pagdoble sa kanyang kapasidad.

Limang buwan ang lumipas hanggang sa araw na wala na itong naitalang bagong pasyente, minarkahan ng mga staff nitong linggo ang malaking pag-urong ng epidemya na pumatay sa libu-libo sa pagbabaklas at pagsusunog sa mga unang tent na itinayo sa klinika.

“The number of cases has decreased significantly -- we are down to five confirmed cases in Liberia,” sabi ni Duncan Bell, field coordinator sa Liberia para sa Medecins san Frontieres (MSF), ang medical aid charity na nangunguna sa pagbibigay-lunas sa mga biktima ng outbreak.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang pinakamalalang outbreak ng virus sa kasaysayan ay pumatay ng 9,000 sa Liberia at mga katabing bansa nito na Guinea at Sierra Leone sa loob ng isang taon.