PAPA-JACK-copy-361x500

NATUWA ang maraming tagasubaybay ng sikat na deejay si Papa Jack dahil bukod sa  Love Radio, napapanood na rin siyang nagpapayo sa mga broken-hearted, may problema sa asawa, at may kung anu-ano pang problems-of-the-heart tuwing Sabado, alas diyes ng gabi.

Nag-pilot na ang Call Me Papa Jack sa TV5 last January 24  at ipinagmamalaki ng Kapatid Network ang show bilang kauna-unahang love advice cum talk variety program.

Abangan sa mga susunod na Sabado ang celebrity guests ni Papa Jack gaya nina Manila Vice Mayor Isko Moreno, Julia Clarete, Bret Jackson, Ynah Asistio at marami pang iba.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Dream interview niya si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

“Isa sa mga dream ko na maging guest ay si Senadora Miriam Defensor-Santiago, matalino at may sense,”  sabi niya.

From Alcala, Pangasinan si Papa Jack, naging call center agent muna bago nag-aral ng Broadcasting sa PUP.

Fan na fan siya ng lady deejay na si Nicole Eala na naging inspirasyon niya  para maging deejay din. 

Kaya nagpunta siya sa  radio program nito sa Star City. 

“Gusto ko kasi siyang makita in person. No’ng time na ‘yun,  nagtatrabaho  ako sa call center panggabi din siya, kaya  timing,” kuwento niya, at idinugtong na sa tuwing pumapasok siya sa call center ay naririnig niya ang isang deejay na makulit at maingay.

“Nakakaaliw pakinggan. Until one time, narinig ko ‘yung plugging na naghahanap sila ng deejay.”

Nag-audition siya at natanggap naman kalaunan.

“Agad-agad, iniwan ko ‘yung call  center no’ng matanggap ako, 22 years old ako no’n,”  aniya.

Kaya lang,  sa unang  taon niya sa kanyang programa, muntik-muntikan na siyang matsugi dahil  walang masyadong  sumusubaybay sa kanyang programa

“Kasi, wala pang TLC (True Love Conversation), ang ginagawa ko lang noon, magbasa ng endorsements, magbasa ng oras at  bumati, na ako sa sarili ko, I don’t believe  I have this deejay quality, ‘yun  ang pananaw ko dati. Para kasi akong lasing ‘pag pinakikinggan,” sabay tawa.

Hinihintay na lamang niya ang memo na tsutsugiin na siya. Kaya lang, umapela  muna siya.

“So,  sinubukang ilipat ako ng  9 PM, and that time, wala namang survey ang 9 PM.”

Naisipan niyang maghanap ng format na kagigiliwan ng kanyang listeners  at  dito nabuo  ang pagbibigay payo sa mga  bigo sa pag-ibig.

“Nakiusap ako (sa management)  for another  three months  at sabi sa akin, kung gagawin mo ‘yung tagapayo, gawin mo at your own style at huwag  gumaya sa iba,” obviously ang tinutukoy ay  si Joe ‘D Mango na sumikat din sa kanyang larangan.

Naging kuwela ang radio show niya at  pinapakinggan ng halos lahat ng taxi drivers sa  Metro Manila bukod pa sa libu-libong kasambahay. Naging hit ang nasabing programa.

Sa kanyang pagharap sa TV, aniya’y wala namang conflict  sa kanyang radio program bagamat parehong ‘true love  confessions’, ang  topic.

“Sabi ko  sa manager ko, kay Ma’am Gigi, kung  tatanggapin ko ‘tong trabaho (sa TV5) at masasagasaan ko ‘yung  sa radyo,  hindi na lang,”  sey ni Papa Jack. 

Pero nang i-assure sa kanya na okay lang at  walang conflict, dito na nag-go signal ang deejay at network.