Ikinalugod ng kampo ng pamilya ng pinatay na transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude ang pagbasura ng Department of Justice (DoJ) sa petition for review na inihain ni Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng US Marines.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Harry Roque, abogado ng pamilya Laude, na ikinalugod nila ang mabilis na pagpaspasya ng DoJ sa apela ni Pemberton.

Batid din umano nila na delaying tactic lang ang paghahain ni Pemberton ng petition for review sa DoJ.

Nang dahil umano sa desisyon ng kagawaran ay muling makakausad sa korte ang kaso.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nanindigan pa si Roque na nararapat lang na malaman ng taumbayan ang katotohanan at mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Jeffrey Laude, na natagpuang patay sa loob ng isang lodge sa Olongapo City noong Oktubre 11, 2014.

Dahil sa petition for review na inihain ni Pemberton, matatandaan na pansamantalang sinuspinde ang paglilitis sa Olongapo Regional Trial Court (RTC) noong Disyembre sa pagpatay kay Laude.