DAVAO DEL NORTE- Ipamamalas sa Palarong Pambansa 2015 ang sports bilang universal language na may kapangyarihang alisin ang nakaharang na barriers, pag-isahin ang mamamayan at palawakin ang kapayapaan. 

Nagkakaisang inaprubahan ng Organizing Committee sa event noong Martes ang peace-themed official logo ng Philippine National Games, na mayroong slogan na, “Sports: Breaking Borders, Building Peace.”

Sinabi ni Governor Rodolfo del Rosario, Chair ng Palaro Executive Committee, na pinili ng mga opisyal ang kapayapaan bilang pangunahing theme ng Palaro, dahil ito ang patuloy na nagiging isyu sa Mindanao region. 

Nabatid dito na nakuha ng Committee ang ‘di matatawarang puwersa ng sports sa pagpapalawig ng mga ideya sa harmony, brotherhood, solidarity at tolerance.  

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Through this year’s Palarong Pambansa, we will show to the world how sports could be a powerful tool in achieving peace,” pagmamalaki ni Del Rosario.  

Sa hiwalay na pagpupulong, ipinagmalaki ng governor ang sporting event bilang golden opportunity para sa mga mamamayan ng Mindanao upang mapagsama-sama na maitaguyod ang pagpasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

“This Palaro will not only glorify sports but will unify all Mindanaoans in rallying the support of the whole country for the passage of the BBL. So we can finally attain the elusive peace in the island,” pahayag pa nito.

Nakapaloob sa official logo ang dominanteng imahe ng isang artistic dove na pasan ang isang tangkay ng olive na mayroong 17 mga dahon na ipiniprisinta ang mga rehiyon sa bansa.  

Tatlong nagliliyab na buntot ng kalapati ay nangangahulugan para sa tri-people diversity ng Palaro delegations, napapalamutian ng nakaiinganyong desenyo ng Muslim artwork okir, fishes na sumisimbolo ng Christianity at ng beadworks ng indigenous people.

Literal na makikita sa logo ang banana leaf na siyang nagpiprisinta sa Davao del Norte bilang ‘Banana Capital’ ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Del Rosario na ang saging ay kinapapalooban din ng resilience ng Dabaonon people, na patuloy na nagiging malakas at matatag mula sa natural calamities, “just like the ever-enduring banana plant.”

Nakita na kamailan ang governor na personal na iniinspeksiyon ang pinakamabigat na preparasyon ng pinakamalaking sports conclave sa bansa, na gaganapin sa Mayo 3-9, 2 

“I want to make sure that everything is moving according to schedule,” giit nito, habang sinusuri ang tinatapos na trabaho sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex.