Mideast-Libya_Luga_02-_Wires_280115-619x349

TRIPOLI, Libya (AFP/AP) — Pinasok ng mga armadong lalaki ang isang luxury hotel na tinutuluyan ng mga diplomat at negosyante sa kabisera noong Martes, at pinatay ang 10 katao, kabilang ang isang American, isang French, isang South Korean at dalawang Pilipina.

Dalawang sa mga umatake ang namatay sa ilang oras na standoff na sinimulan sa isang car bomb na sumabog sa parking lot ng Corinthia Hotel sa tabing dagat.

Inako ng mga militanteng nagpakilalang Islamic State of the Tripoli Province ang pang-atake at nagpaskil ng video ng mga nasusunog na sasakyan sa parking lot ng hotel at sinabing ito ay ganti sa pagdukot noong 2013 ng mga American commando sa Libyan al-Qaida operative na si Nazih Abdul-Hamed al-Ruqai, kilala rin bilang Abu Anas al-Libi. Al-Libi na namatay nitong unang bahagi ng buwan sa isang ospital sa New York dahil sa kumplikasyon sa liver surgery habang nililitis sa 1998 bombings ng mga embahada ng US sa Kenya at Tanzania.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ni Issam al-Naass, security services spokesman, na nagawang makaakyat ng mga armado sa 24th floor ng hotel, bago napalibutan ng security forces at pinasabog ang detonating explosive belts na kanilang suot.

Nasa loob ng hotel ang pinuno ng self-declared government ng Libya na si Omar al-Hassi nang mangyari ang pag-atake, ngunit ligtas siyang nailikas.

Kabilang sa mga namatay ang tatlong security guards na namatay sa pag-atake, limang banyaga na binaril ng mga armado at isang hostage na namatay nang pasabugin ng mga nag-aatake ang kanilang mga sarili.

Sinabi ni Naass na limang katao rin ang nasugatan, kabilang ang dalawang empleadong Pilipina na tinamaan ng mga nabasag na salamin mula sa kotse.

Ang Corinthia ay inatake rin noong 2013 nang dukutin ng mga armado si noo’y prime Minister Ali Zeidan, na naninirahan doon. Pinakawalan siya makalipas ang ilang oras.

Sa Manila, sinabi ni Department of Fioreign Affairs spokesman Charles Jose Foreign Affairs na beneberipika pa nila ang mga ulat tungkol sa posibleng pagkamatay ng dalawang Pilipina sa pag-atake.

“Our embassy is continuously monitoring the incident and has contacted major hospitals throughout Tripoli and coordinated with relevant authorities in Libya to check if there are other Pinoy casualties from [the] hotel attack,” ani Jose.