PACMAN-PIC-copy-450x500

MIAMI (AP)– Nagkita na rin sa wakas sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao.

At ngayon ay maaring mas maging seryoso na ang mga pag-uusap para sa kanilang posibleng paghaharap sa ring.

Ang dalawang fighters ay kapwa nasa courtside sa laro ng Miami Heat kahapon. Lumapit si Mayweather kay Pacquiao sa halftime, nagkamay ang dalawa at sandaling nag-usap at pagkatapos ay nagpalitan ng numero ng kanilang cellphone.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

‘’He gave his number to me and said we will communicate with each other,’’ sabi ni Pacquiao, at idinagdag na ito ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Mayweather ng personal.

Nang tanungin upang liwanagin kung ang kanilang pagkikita ay hudyat na upang direkta silang mag-negosasyon tungkol sa kanilang paghaharap sa ring, sinabi ni Pacquiao na ito nga ang kaso.

Ang isang laban sa pagitan ng dalawa ay halos sigurado nang magiging pinakamalaki sa boxing, at potensiyal na may gross na $250-milyon. Ang hati pa lamang ni Mayweather ay lampas na sa $100-milyon.

Sinabi ni Mayweather noong nagdaang buwan na handang maganap ang laban sa Mayo 2. Nang tanungin kahapon kung ang nasabing araw ay ang kanilang paghaharap, tumango si Pacquiao, na sinabing oras na upang ibigay sa boxing fans ang kanilang hinihiling, at sinabing “yes.”

Ilang araw nang nasa Miami si Pacquiao matapos magsilbi bilang isa sa mga hurado ng Miss Universe pageant sa Florida International University. Nakatakda sana siyang umalis kahapon ngunit nakansela ang kanyang flight.

Nagdesisyon si Pacquiao na panoorin na lamang ang Heat-Milwaukee Bucks game. Kilala siya bilang basketball fan at may magandang relasyon kay Heat coach Erik Spoelstra, na isa ring Filipino descent.

Regular namang nakikita si Mayweather sa courtside tuwing may laro ang Heat.

At nagkataong nasa parehong laro ang dalawa. Sinabi ni Pacquiao na hindi niya inaasahang magkikita sila ni Mayweather.

Si Mayweather, ang WBA at WBC welterweight champion, ay hindi pa natatalo sa loob ng 47 laban.

Si Pacquiao naman, ang WBO welterweight title holder, ay may kartadang 57-5-2 sa kanyang career.