Kinondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naganap na pamamaslang sa may 43 miyembro ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) ng grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo, Enero 25.

Sa kabila nito, sinabi ni CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na nananatili ang kanilang suporta sa usapang pangkapayapaan sa rehiyon.

“The sad incident underscores the necessity and the urgency of arriving at a solution that is not rushed but that is inclusive, principled and just to all,” ani Villegas sa isang kalatas.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang CBCP sa mga naulila ng mga namatay na pulis kasabay ang panawagan sa mga mananampalataya na ipanalangin ang mga biktima at kanilang mga pamilya.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“With profound sorrow but with faith in the Resurrection, the CBCP mourns with the families of the gallant policemen, victims of an utterly senseless act of violence in Mindanao, already weary from battle and conflict,” ani Villegas.