CABANATUAN CITY - Bago pa mag-isyu ng permit para sa relokasyon ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Nueva Ecija ay iginiit ni Gov. Aurelio Matias Umali sa gobyerno na magdisenyo ito ng hiwalay na piitan para sa mga convicted na drug lord at terorista.

“Ang drug lords at terorista ay mga intelihente, mayroon silang pera at may malakas na koneksiyon kaya mahirap silang i-manage at kailangan dito ay ihiwalay sila sa ‘common criminals’,” ani Umali.

Sinabi ng gobernador na ang nasabing kondisyon niya ay batid ng Central Luzon Regional Development Council (CLRDC) at naendorso na sa NBP bago pa ito mailipat sa 500-ektaryang lupain sa Barangay Nazareth sa General Tinio.

Ang naturang lugar ay nasa mismong military reservation ng Fort Magsaysay, na kampo ng Philippine Army.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Nakita natin ang nangyari sa NBP sa Muntinlupa, may nadiskubreng drugs, high-powered guns, ammos, pera, luxury items,” sabi pa ni Umali.