Enero 29, 1886 nang matanggap ng German mechanical engineer na si Karl Benz ang unang patent para sa combustion ng unang engine-powered car sa mundo na kanyang binuo noong 1885. Ito ay isang three-wheeler at hindi naglaon ito ay naging four-wheel car noong 1891.

Nakuha ni Benz ang kanyang unang patent noong 1879 para sakanyang imbensiyong 0.75-horsepower, two-stroke engine. Kanya ring dinisenyohan ang isang three-wheel na sasakyan na gumagamit ng electric batteries upang mapaandar, gamit ang ibang aparato at tubig upang mailabas ang init.

Taong 1883 nang maitatag ang kanyang korporasyon na Benz & Company, at naging pangunahing manufacturer ng mga sasakyan noong 1900. Ang kanyang ama ay isang engine driver. Siya ay nag-aral sa Karlsruhe Grammar School at Karlsruhe Polytechnic University.

Noong 1893 nang isinapubliko ang Benz Velo, ang unang mass-produced automobile sa mundo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3