Julia-halik-sa-hangin-copy

NANG maging panauhin nina Boy Abunda at Kris Aquino ang bida ng pelikulang Halik Sa Hangin na si Julia Montes noong Lunes ng gabi, inusisa ng hosts ng Aquino and Abunda Tonight kung bakit gayong lagi na lang siyang nali-link sa co-actors niya (gaya nina Enchong Dee at Coco Martin), but up to now ay wala man lang nababalitaang  nagkaroon na siya ng boyfriend.

Nagpahayag ang aktres na ayaw muna niyang magkaroon ng boyfriend, at siya mismo ang nag-istrikto sa sarili dahil ayaw niyang pumasok sa maagang pakikipagrelasyon.

Nineteen years old 19 pa lamang si Julia at  nagsisikap na marating ang kasikatang nakamit ng ilang Star Magic  stars gaya nina Claudine Barretto, Kristine Hermosa, Jodi Santamaria at iba pa.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Puwede nga namang masira ang kanyang  diskarte kapag hinaluan niya ng lovelife ang kanyang career.

Paliwanag pa ni Julia, natatakot siya na mawalang lahat ang kanyang pinagsisikapan kung mababaling ang atensiyon niya sa isang romantic  relationship.

“Magko-concentrate muna ako sa career ko,” sabi ng dalaga.

Kasama ni Julia sina Gerald Anderson at JC de Vera sa Halik Sa Hangin at showing na ito nationwide simula kahapon.