ISA si Pamela Anderson sa may pinakamagandang mukha at perpektong sukat ng katawan sa kanyang henerasyon, ngunit para sakanya ay hindi niya naramdamang siya ay maganda.
“I’ve just signed with Next Modeling agency for commercials and appearances,” pahayag ni Anderson, 47, sa Parade magazine. “That is funny. I’ve never felt pretty enough to be a model. I think I’ve provoked feelings with how I look. But not as a beauty but as a mischievous little rascal!”
Simula nang aminin niya noong 2014 ang kanyang pagdurusa mula sa pang-aabuso noong nagdadalaga siya, ibinahagi ni Anderson na ang trauma ay nakakaapekto pa rin sakanya.
“I still struggle with self worth and trying to fix people. I’m surrounded by broken toys,” pag-amin niya. “There’s no perfect person. There’s no perfect relationship. Love is tragic and hard. And I think the one thing I have shown my kids is that you don’t have to put up with abuse.”
Labintatlong beses na naging cover si Anderson sa Playboy magazine. Siya ay nagsuot ng pamosong red bathing suit sa Baywatch simula 1992 hanggang 1997. Ngayon, handa na siyang bumalik sa trabaho. Bukod sa pagmomodelo, mapapanood din siya sa limang pelikula ngayong taon.
Handa na siyang harapin ang kanyang edad.
“I don’t really feel like I want to chase youth. I want to get old,” pag-amin ni Anderson. “I want to experience all the seasons of my life. I just don’t want to be afraid of it. And I think in this industry you’re surrounded by a lot of fear of getting older and fear of your looks leaving you. And I thought well, I’m lucky then because I never really felt that great looking.”