IBA NA LANG ● Malamang na hindi naman talaga “chicken” itong is Floyd Mayweather na makipagbuntalan sa ating Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Ang kinatatakutan nito marahil ay ang mawala ang kanyang reputasyon sa pagiging undefeated American boxer. Pero kung totoong boksingero siya, hindi niya aatrasan ang sinumang sa inaakala niyang kaya niya o ang isang medyo nakaaangat ng ilang guhit ng kahusayan; at ipagtatanggol niya ang kanyang pedestal.

Paano na kung talagang ni anino ni Mang Floyd ay ayaw magpakita sa lona? May balak si Rep. Pacquiao na ipapalit sa kokorokok na Floyd kung patuloy itong magsasawalang-kibo. Lalabanan niya si Amir Khan ng England at posibleng mangyari ito sa Mayo 30. Ito ang backup plan nila ng kanyang Promoter na si Bob Arum kung sakaling hindi matuloy ang bakbakang Floyd-Manny sa Las Vegas o sa Abu Dhabi o sa London. Si Khan ay dating welterweight champion at top contender din para kay Floyd kung ayaw ni Manny sa kanya. Sparring partner noon ni Manny si Khan sa pagsasanay sa kanilang dalawa ni Freddie Roach. May iba pang maaaring kalaban ni Rep. Paquiao, ani Arum - sina Russian former junior welterweight champion Ruslan Provodnikov at Lucas Matthysse ng Argentina. Pero ang first choice talaga ni Pacman ay ang chicken, este si Floyd.

***

AASA ULI KAMI ● Giit ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa gobyerno ang mas maraming classroom at guro sa school year na ito, pati na ang pagtataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Maraming problema ang kinakaharap ng mga mag-aaral at magulang sa tuwing pasukan, ani Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth (ECY), nangunguna rito ang kakulangan ng classrooms na nangangailangan na ng agarang solusyon. “The government has to tackle this reality head-on, and take steps towards solving it,” ani Garganta. Dapat unahin ng pamahalaan ang kapakanan ng kabataan sapagkat sa kanila nakasalalay ang pagsulong ng bansa sa hinaharap. Paano sila magiging mabubuting mamamayan kung sa simula pa lamang ng kanilang pagsasanay sa murang edad ay kapos na sa lahat ng bagay, partikular na sa larangan ng edukasyon. Malampit na ang Hunyo, at tiyak babaha ng mga batang mag-aaral ang public schools. Sana may mangyari sa panawagan ng CBCP... at patuloy tayong aasa na mangyayari ito sa ating panahon.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists