BOSTON (AP)— Sinimulan na ng mga New Englander ang paghuhukay sa lampas tuhod na snow na hatid ng blizzard at malabuhawing hangin habang nagtataka naman ang mga New Yorker at iba pang nailigtas sa unos kung sumobra ang forecasts.

Ibinaon ng bagyo ang Boston area sa mahigit 2 talampakang snow at nilaslas ito ng nangangalit na hangin na lumagpas sa 70 mph. Lumikha ito ng malaking butas sa seawall at binaha ang isang bakanteng bahay sa Marshfield, Massachusetts, at itinaob ang 110-foot replica ng Revolutionary War ship sa Newport, Rhode Island, sinira ang mast at hull nito.
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado