Mga laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

2 p.m. Bread Story vs. Cafe France

4 p.m. Jumbo Plastic vs. Cebuana Lhuillier

Gamitin ang taglay na twice-to-beat advantage upang umusad sa semifinals ang kapwa tatangkain ng Cafe France at Jumbo Plastic Linoleum sa pagsisimula ngayon ng kanilang quarterfinal round ng 2015 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakuha ng Bakers at Giants ang hawak na insentibo makaraang tumapos na nasa No. 3 at No. 4 teams sa nakaraang eliminations kasunod ng top two at outright semifinalists na Cagayan Valley at Hapee.

Tangkang pataubin ng Bakers ang No. 6 team na Bread Story-Lyceum sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang sisikapin naman ng Giants na makalusot sa makakatunggaling No. 5 seed na Cebuana Lhuillier sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Bagamat nag-iisang bagong koponan na nakapasok sa playoffs, ayaw isipin ni Pirates coach Bonnie Tan na madehado sila sa laban.

Gusto umano ni Tan na ma-enjoy lamang ng kanyang mga player ang kanilang naging tagumpay na makatuntong sa quarterfinal round.

``Malakas na kalaban ang Cafe France, pero ayaw na naming isipin ‘yun. Sana lang ‘yung mga natutunan ng mga player ko dito sa eliminations ay madala nila sa mga susunod pa nilang laban, hindi lamang dito sa D-League kundi maging sa NCAA kasi ‘yun naman talaga ang hangad namin kaya kami sumali dito,`` pahayag ni Tan. ``Kung mananalo kami, malaking bonus na sa amin ‘yun. We will try to give them a good fight.``

Sa panig naman ng Bakers, nag-aalala naman si coach Egay Macaraya dahil hindi pa 100 percent na handa ang kanilang Cameroonian player na si Rodrigue Ebondo.

``Malaking bagay sa amin si Ebondo kasi nakaka-intimidate siya sa loob at may threat din siya sa labas,`` ani Macaraya.

Sa huling laro, sariwa pa rin sa isipan ang nangyaring pagkabigo nila sa Cebuana Lhuillier sa kanilang unang pagtatagpo sa playoffs na nasundan pa ng isang kabiguan sa kamay ng dating D-League team na Blackwater sa nakaraang Foundation Cup kung saan nabura ang taglay nilang twice-to-beat advantage, sisikapin nila na huwag nang maulit ang nasabing bangungot, ayon kay coach Steve Tiu ng Giants.

Para naman sa Gems, inaasahan ni coach Boysie Zamar ba magtutuloy na ang naipakitang teamwork ng kanyang mga player sa kanilang mga naging huling laro sa nakalipas na eliminations.

``’Yun lang naman kasi ang nagiging problema namin, kasi nga, collegiate stars na galing sa iba`t ibang school, me kanya-kanyang diskarte. Sana magtuluy-tuloy na ‘yung ipinakita nilang maturity at consistency,`` ani Zamar.