MIAMI (AP)– Nadagdagan ang panalo ni Jason Kidd kontra Miami.

Gayundin ang injuries sa Heat, at ngayon may iniinda na namang sakit si Dwyane Wade.

Gumawa si Brandon Knight ng 17 puntos at 6 assists at pitong manlalaro ng Milwaukee Bucks ang nagtapos sa double figures patungo sa kanilang 109-102 panalo sa Heat kahapon.

Umiskor din si Khris Middleton ng 17 para sa Bucks, na nakakuha rin ng 15 mula kay Jerryd Bayless, 14 mula kay O.J. Mayo, 13 mula kay Giannis Antetokounmpo, 12 mula kay John Henson at 11 mula kay Chris Dudley. Umangat naman si Kidd sa 7-0 sa regular season games bilang coach kontra Miami.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

‘’They believe in one another and they believe they can win,’’ sambit ni Kidd. ‘’Even when we were down, guys didn’t panic, guys didn’t take bad shots, our defense tightened up and we went from there.’’

Habang ang fighters na sina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao ay nanonood mula sa courtside, tinalo ng Milwaukee ang Miami sa ikatlong pagkakataon ngayong season, umusad ng tatlong laro sa unahan ng Heat para sa karera sa No. 6 sa Eastern Conference. Na-outscore ng Bucks ang bench ng Miami, 44-13.

Si Chris Bosh ay gumawa ng 26 puntos para sa Miami, nagdagdag si Mario Chalmers ng 21 puntos at 8 assists, at 16 puntos at 16 rebounds naman ang ibinigay ni Hassan Whiteside.

Nawala si Wade sa Heat sa ikatlong yugto dahil sa strained right hamstring. Si Wade, na nagtapos na may 12 puntos sa loob ng 18 minuto, ay nagkaproblema rin sa kanyang kaliwang hamstring sa dalawang magkaibang okasyon nitong season.

‘’It’s just so disappointing and difficult not to be at full strength or at least 75 percent,’’ ani Bosh. ‘’And we don’t have room for injury.’’

Ang pagkawala ni Wade ang huling development sa season-long sage ng injury sa Heat matapos gumawa ang Heat ng pregame decision na tanggalin sina Luol Deng (left calf soreness) at Chris Andersen (elbow and back soreness) mula sa starting lineup, at sina Danny Granger at Whiteside ang humalili sa kanilang puwesto.

Umiskor si Granger ng 14 para sa Miami.

‘’We’re not feeling sorry for ourselves,’’ giit ni Heat coach Erik Spoelstra. ‘’Nobody’s feeling sorry for us.’’

Lumamang sa 10 puntos ang Milwaukee sa second quarter, ngunit ang Heat – na nahirapan sa third quarter sa buong season – ay nag-ingay matapos ang halftime at lumamang sa 78-68 may 3:54 pang nalalabi sa period sa likod ng 3-pointer ni Norris Cole.

Ngunit pagkatapos nito, nakuha muli ng Milwaukee ang kontrol at hindi na lumingon pa.

Naitabla ng Bucks ang laro sa kanilang 11-1 run at sinelyuhan ang laban matapos ang 17-5 run sa fourth period na kinuha ang one-point deficit at ginawa itong 102-91 abante sa huling 3:33.

‘’Different guys on different nights,’’ sabi ni Dudley. ‘’And that’s the motto of our team.’’

Resulta ng ibang laro:

Toronto 104, Indiana 91

Cleveland 103, Detroit 95

Memphis 109, Dallas 90

Washington 98, LA Lakers 92