Andi-and-Brett

MARAMING humanga kay Bret Jackson na nanahimik na lang pagkatapos niyang malaman na nagkabalikan sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Matatandaang nag-post si Bret sa kanyang Twitter account ng, “Cheater, Cheater, Pumpkin Eater at Liar, Liar Pants On Fire!” nang makarating sa kaalaman niyang nasa Singapore sina Andi at Jake gayong sweet-sweet-an pa sila ng aktres bago ito mangyari.

Sabi ng taong malapit kay Bret, “Grabe Reggs, sobrang nasaktan si Bret, at para maaliw ay naglaro ng video games at kung anu-ano pa.”

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Nakita rin namin ang post ni Bret na, “Sit back relax and enjoy the show” na may photo kuha sa isang premiere night na katabi ng upuan niya ang may pangalang Andi Eigenmann habang kumakain siya ng popcorn.

Tila ginawa na lang katatawanan ni Bret ang ginagawa ni Andi na sala sa init, sala sa lamig na desisyon nito pagdating sa lovelife.

Naging maginoo pa rin si Bret dahil nag-post siya ng, “People mad like I was keeping them (Andi at Jake) apart. I was just kissin’ the scrapes on her knees and telling her she would be OK. Her happiness is mine.”

Samantala, inamin na ni Andi na okay na ulit sila ni Jake base sa kanyang post sa Twitter na, “4 yrs isnt a joke. There’s no harm in being human enough to not throw it all away and learn to be friends. #letitrainchillpills.”

Sinundan niya ito ng, “Just how is having the same group of friends, similar interests, and being okay state that two people are back together? Just. How?”

At dahil okay na ulit sina Andi at Jake, lalong umiinit ang espekulasyon ang tanong ang bayan na, ‘sino ba talaga ang tatay ni Ellie?’