Alex-and-Matteo_4-copy

MAGTATAMBAL sa unang pagkakataon sina Alex Gonzaga at Matteo Guidicelli sa drama-comedy episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Enero 31). Gaganap sila bilang sina Jocelyn at Marlon, ang magkarelasyon na unang nagwagi ng P1 million jackpot sa isang laro ng It’s Showtime noong 2012.

Panoorin sa upcoming episode kung paano nairaos nina Jocelyn at Marlon, kasama ang kanilang dalawang anak, ang kanilang buhay sa maliit na kinikita ni Marlon bilang mangangalakal na naghahanap ng gamit na bakal sa mga creek para ibenta; at kung paano naging sagot sa kanilang mga dasal ang hindi inaasahang pagkapanalo sa It’s Showtime. 

Makakasama nina Alex at Matteo sa kanilang unang MMK team-up sina Kyline Alcantara, Kim Molina, Zeppi Borromeo, at Maila Gumila, mula sa panulat ni Jimuel dela Cruz at sa direksyon ni Raz de La Torre.
National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami