ZAMBOANGA CITY - Kinasuhan na ng pulisya ang tatlong arestadong suspek na pinaniniwalaang nasa likod ng pagsabog ng isang car bomb sa Barangay Guiwan nitong nakaraang linggo na ikinamatay ng dalawang katao at 56 ang sugatan.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Babylyn Jul Ismael Muallam, kanyang ama na si Isrhaly Muallam at isang kakutsaba na si Aldamer Sahubuddin, na naninirahan sa isang inuupahang bahay sa Oriental Homeowners Subdivision sa Sitio Talungon, Barangay San Roque sa siyudad na ito.

Ang tatlo ay naaresto ng pulisya ilang oras matapos maganap ang pasabog noong Biyernes.

Nabawi ng raiding team mula sa tatlo ang isang M-16 rifle, isang Phanter Arms caliber 5.6 rifle, isang magazine, 17 bala ng 5.56mm, electric tester, dalawang baterya, isang cell phone, electric wire at apat na gallon ng gasoline.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Ang ikaapat na suspek, nakilalang si Mualam Ahmadjhan, na umano’y isang pulis mula Jolo, Sulu, ang sangkot sa pambobomba subalit nakatakas sa mga rumespondeng awtoridad.

Sinabi ng mga testigo na nakita nila ang isang kotse na nakaparada sa isang garahe bago ito sumabog.