TORONTO (AP)– Umiskor si Lou Williams ng 27 puntos at gumawa ang Toronto Raptors ng season-high na 17 3-pointers sa kanilang 119-102 panalo kontra sa sumasadsad na Sacramento Kings kahapon.
Gumawa si Greivis Vasquez ng 18 at 15 ang nagmula kay Jonas Valanciunas para sa Raptors, na napanalunan ang kanilang ikaapat na sunod na laro.
Ito ang pinakamahaba ng Toronto mula sa kanilang six-game run noong Disyembre.
‘’We want to continue this winning streak and then continue to get better,’’ ani Vasquez.
Nagtala si Rudy Gay ng 22 puntos, 17 ang kay Ben McLemore at 13 ang galing kay DeMarcus Cousins para sa Kings, na ang season-long losing streak ay umabot na sa pitong laban.
‘’Whichever team decided to be the first team to play defense was going to win the game and they decided to play defense first,’’ sinabi ni Cousins. ‘’That’s the story.’’
Sina Vasquez at Williams ay kapwa gumawa ng apat na 3-pointers para sa Toronto, na nagtapos na 17-of-34 mula sa long range.
“We played like a winning team in the second half, a team that’s on a mission,” lahad ni Raptors coach Dwane Casey.
Ang Kings forward na si Carl Landry ay nagbalik makaraang lumiban sa huling limang laro dahil sa sprained right wrist at nagtapos na may 14 puntos sa loob ng 23 minuto.
May misyon naman si Cousins para sa kanyang mga kakampi sa Kings, mas paigtingin ang depensa.
‘’Take pride in playing one-on-one defense, that’ll solve a lot of problems,’’ aniya.
Gumawa ang Toronto ng 15 3-pointers sa kanilang 124-82 pagwawagi laban sa Milwaukee noong Nobyembre 21. Ganito karami ang kanilang nagawa sa tatlong quarter kontra sa Kings bago naipasok ni Williams ang isang 3s mula sa sulok upang buksan ang fourth quarter.
‘’They’re playing with a lot of confidence and they’re talented guys,’’ pahayag ni Kings coach Tyrone Corbin tungkol sa Toronto.
Sina Kyle Lowry at Terrence Ross ay gumawa ng tig-13 puntos para sa Raptors.
Resulta ng ibang laro:
Cleveland 99, Portland 94
Philadelphia 89, Detroit 69
Atlanta 113, Brooklyn 102
Denver 93, New Orleans 85
Houston 99, Dallas 94
Minnesota 110, Boston 98
New York 100, Oklahoma City 92
San Antonio 95, Charlotte 86
LA Clippers 94, Utah 89