Target ng Federation of Touch Football Pilipinas (FTFP) na ipakilala ang Pilipinas sa kinagigiliwang laro ngayon sa mundo sa pagpapadala ng dalawang pambansang koponan sa Touch Football World Cup na gagawin sa Abril 28 hanggang Mayo 3 sa Sydney, Australia.

Sinabi ni FTFP president Clair Barberis, sa kanyang pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate na magpapartisipa ang Pilipinas sa women’s event at sa bagong kategorya na mixed team.

“We’re very optimistic of our chances even though we will be up against the best of the world in touch football,” pahayag ni Barberis, na kasamang dumalo sa forum sina national coach Craig Wislang at players na sina Mai Perigrina, Nerice dela Cruz, Katrina Swee at Joan Javier.

Ang FTFP Inc., na dating Touch Football Pilipinas, ay kinilala naman bilang miyembrong bansa ng Federation of International Touch (FIT) na siyang internasyonal na asosasyon na namamahala sa sports at gumagawa ng FIT standard policies at rules.  

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil sa pagiging miyembro ng Pilipinas kaya’t nakuwalipika ang pambansang koponan na makasali sa FIT Touch World Cup na gaganapin sa Coffs harbor, New South Wales kung saan may kabuuang 84 koponan ang lalahok.

Nabuo ang women’s national team matapos na maging developmental team pa lamang noong Nobyembre 2013 kung saan ay nakalahok ang mga ito sa International Bangkok 10’s Rugby Tournament noong Pebrero 2014 at nagawang maiuwi ang korona sa ladies division.

Matapos nito ay kinilala ang pambansang koponan na binubuo ng mga manlalaro na mula sa UP, International School of Manila at Brent International School kasama ang mga miyembro ng Nomads at Macherr na club teams.

Ang mixed team ay bubuuin ng touch football players na nakabase sa Australia at Pilipinas. Ang koponan ay kabibilangan nina Perigrina na siyang coach ng mixed team kasama si Christian Alnzon at Jacquelyn Ronquillo.