Inihayag ng pamunuaan ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) ang kanilang programa para sa 2015 na kinabibilangan ng ilang mga proyekto at torneo, isa na rito ang ikalawanag edisyon ng International Table Tennis Federation (ITTF) GAC Group World Tour Challenge Series Philippines Open sa darating na Mayo 27-31.
Ayon kay TATAP President at dati ring numero unong paddle wielder ng bansa na si Ting Ledesma, ang nasa likod ng unang pagdaraos ng top-level ITTF event sa bansa, na sisikapin nilang mas maging matagumpay ang ikalawang edisyon ng torneo na tatampukan ng mas malaking premyo.
“TATAP will be taking table tennis to new heights this year. Last year we hosted the ITTF GAC Group World Tour Challenge Series Philippine Open, and now we want to make it better and more exciting,” ani Ledesma.
“We have attracted some of the top players last year, including Singapore’s Feng Chang Wei, and the country has vowed to double their participation this year.”
Noong nakaraang taon, ang event ay ginanap sa Subic Bay, Olongapo kung saan ay naging mainit ang pagtanggap na ipinakita, hindi lamang ng mga player, kundi ang maging ang lahat ng table tennis afficionados kaya nagdesisyon ang TATAP na ulitin ito.
Kasama din sa nakahanay na mga aktibidad ngayong taon ang pagdaraos ng Super League, isang event kung saan ay kabalikat nila ang local government units (LGUs) na ang layunin ay tumuklas ng mga bagong talento mula sa iba`t ibang bahagi ng bansa sa darating na Marso.
Target din ng TATAP na ipadala ang kanilang top ten national players sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Singapore sa Hunyo.
Una rito, anim na manlalaro nila ang lalahok sa gaganaping World Table Tennis Championships sa Suzhou, China sa Abril 26-Mayo 3.