Hihilingin ng National Prosecution Service (NPS) na mailipat sa Metro Manila ang lugar ng paglilitis sa mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf na nakakulong sa Zamboanga City.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, kapag naaprubahan ng Korte Suprema ang kanilang ihahaing mosyon para sa “transfer of trial venue,” saka naman nila hihilingin na mailipat ng detention facility ang mga akusado.

Nauna nang hiniling ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco na ilipat na ng Maynila ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nakakulong sa kanilang local detention facility sa hinalang may kinalaman ang umano’y planong pagtakas ng 57 preso sa bilangguan sa naganap na pagsabog sa Zamboanga City noong Biyernes na ikinamatay ng isang katao at ikinasugat ng 48 iba pa.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3