Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)

4:15 p.m. Barako Bull vs. Blackwater

7 p.m.  Talk `N Text vs. Rain or Shine

Ang lideratong mawawala sa koponan sanhi ng  pagreretiro ni Jimmy Alapag ang inaasahang ibabangon ng dating league 2-time MVP na si Willie Miller ng Talk `N Text sa pagharap nila sa Rain or Shine ngayon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinuha ng Tropang Texters ang serbisyo ng 37-anyos na si Miller para sa conference ngayon hanggang sa pagtatapos ng season.

Bukod kay Miller, aasahan din ng koponan ni coach Jong Uichico ang kanilang import na si Richard Howell at maging ang Gilas standouts na sina Larry Fonacier at Jason Castro at Gilas cadets na sina Matt Rosser at Kevin Alas.

Sa kabilang dako, uumpisahan naman ng Rain or Shine ang kanilang pag-atake katulong ang import na si Rick Jackson.

Naunsiyami sa kanilang asam na makamit ang unang All-Filipino Cup title, tiyak na babangon ngayon ang Elasto Painters sa pangunguna ng Gilas players na sina Gabe Norwood, Beau Belga, Jeff Chan at Paul Lee katulong sina Jervy Cruz at Raymund Almazan upang makabawi ngayong mid-season conference.

Una rito, magtatapat naman sa unang laban sa ganap na alas-4:15 ng hapon ang Barako Bull at expansion team na Blackwater na hangad namang makabawi mula sa kanilang nakapanlulumong panimula sa kanilang rookie year kung saan nabigo silang makapagtala ng kahit na isang panalo sa nakaraang Philippine Cup.

Sasandalan ng Elite para mabago ang kanilang kapalaran ang reinforcement na si Chris Charles habang ipantatapat naman sa kanya ng Energy Cola si Solomon Alabi.

Si Jackson ay produkto ng Syracuse at galing sa stint sa Russian League kung saan ay naglaro ito sa koponan ng Krashny Oktyabr bago kinuha ng Rain or Shine.

Isa namang Nigerian professional basketball player si Alabi na nakapaglaro sa Super Basketball League (SBL) sa koponan ng Yuko Dinos.

May taas na 7-foot-1, si Charles naman ay dating Best Import ng ASEAN Basketball League (ABL) habang balik import naman si Howell na siya ring import ng Tropang Texters sa nakaraang second conference.