Inihayag ng Honda Cars Philippines, Inc. (HCPI) ang voluntary safety recall ng Honda Civic car models 2003 at 2004 dahil sa abnormalidad ng paggana ng front passenger airbags/supplemental restraint systems nito, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ang hakbang ng kumpanya ay bunsod ng insidente sa Japan dahilan para palitan ang inflators ng harapang passenger airbags ng mga sasakyan nang libre.

Ayon sa kumpanya, mayroong 631 Honda Civic ang apektado ng recall.

Para sa impormasyon, basahin ang liham ukol sa kampanya ni HCPI Administration Division Head Noel M. Barachina o bisitahin ang website ng HCPI. Maaaring magtanong sa mga awtorisadong Honda dealerships o tumawag sa HCPI (02) 857-7240.
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela