nasagasaanngtrain_MANILA05_vicoy_270115-619x418

Isang 81-anyos na lalaki ang nagkagutay-gutay matapos mabundol ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sta. Mesa, Manila kahapon ng umaga.

Nakaladkad din ng tren nang ilang metro sa riles si Alberto B. Cadalo, residente ng 390 Hipodrono Street, Sta. Mesa, Manila, bago napansin ng mga pasahero na tumawag sa pansin ng operator ng sasakyan, dakong 9:22 ng umaga.

Base sa salaysay ng mga istambay, sinabi ni PO3 Roberto Lorenzo na tumatawid si Cadalo sa silangang bahagi ng riles na may bitbit na pagkain nang mahagip at makaladkad siya ng dumaraang tren.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

“Mabilis ang takbo ng tren. Pinilit ni Cadalo na makatawid subalit inabot pa rin siya,” ayon sa imbestigador.

Inabot ng ilang oras bago mabunot ang nagkagutay-gutay na katawan ni Cadalo sa riles ng empleyado ng isang punerarya na rumesponde sa lugar.

Sinabi ni Lorenzo na walang balak maghain ng reklamo ang pamilya ni Cadalo laban sa operator ng tren subalit umapela ang mga ito sa PNR na balikatin ang pagpapalibing sa kanilang lolo.