Tiyak na maaapektuhan ng engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao—na nagresulta sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police -Special Action Force (PNP-SAF)—ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang paniniwala ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, na ibinunton pa ang sisi sa MILF.

Ayon kay Estrada, hindi maaaring basta na lang sabihin ng MILF na “isolated incident” o “misencounter” ang insidente.

“Yes, this will affect the peace talks. They (MILF) have been doing that for the past how many years. How many towns have been burned? How many people have been killed? We have exhausted all means in making peace with them. What else?” tanong ni Estrada, sa panayam sa ANC channel.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Batay sa kanyang karanasan, naniniwala rin si Estrada na hindi dapat pagkatiwalaan ng gobyerno ang MILF dahil dati na, aniya, itong lumalabag sa peace agreement.

“You can never trust the MILF and MNLF (Moro National Liberation Front). That is what I believe in...I experienced it,” dagdag pa niya.

Samantala, sinibak na kahapon sa puwesto ni PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina si  Director Getulio Napenas bilang hepe ng PNP-SAF.

Kinumpirma ni Espina na administrative relief ang ipinataw kay Napenas, sa resulta ng imbestigasyon ng binuong Board of Inquiry (BOI).

Itinalagang officer-in-charge ng PNP-SAF si Chief Supt. Noli Talino.