LIPA CITY, Batangas – Inaresto ng pulisya ang isang lalaki, na nakumpiskahan ng baril at ilegal na droga habang kasama ang anak niyang menor de edad, nang magsagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng pulisya sa Lipa City.

Sinampahan na ng kaso sa Lipa City Prosecutor’s Office ang suspek na si Randy Tiquis.

Ayon sa report mula kay Insp. Hazel Luma-ang, information officer ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), pinara ng mga awtoridad ang motorsiklong sinasakyan ni Tiquis, kaangkas ang kanyang anak, sa national highway sa Barangay Tambo.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang .45 caliber pistol at bala, gayundin ang hinihinalang shabu sa isang malaki at anim na maliliit na sachet, na ang halaga ay umaabot sa P200,000. Nakuha rin mula sa kanya ang isang digital weighing scale at surgical tong.
National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!