BATANGAS - Nagpapanggap na pasyente at magdedeklara ng hold-up ang modus operandi ng mga hindi nakilalang nambiktima sa tatlong dental clinic na magkakasunod na sinalakay sa magkakahiwalay na lugar sa Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:00 ng hapon nitong Enero 26 nang salakayin ang Arevalo Dental Clinic sa Rizal Avenue sa Barangay 3, Batangas City. Iginapos umano sa banyo ang sekretaryang si Shieena May De Castro at kinuha ng suspek ang cell phone at pera nito.

Dakong 9:00 ng gabi naman ng araw na iyon nang biktimahin ang Ambida Dental Clinic sa Poblacion 3 sa Bauan. Tinutukan naman ng balisong ang sekretaryang si Jocelyn Aldovino at nakuha ng suspek ang P50 halaga ng barya mula sa kaha.

Nagreport din sa pulisya si Anne Marnelli Torres, secretary, na pinasok din ng kawatan ang Villena Dental Clinic sa Bgy. Kumintang, Batangas City, bago magtanghali nitong Enero 23, at tinangay ng suspek ang isang cell phone at P4,000 cash.
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado