Taglay ang pinakamalaking roster ng players na binuo sa volleyball league, dadalhin ng BEST Center Women’s Volleyball League (WVL) ang kanilang ika-19 season sa mas maigting na labanan.

best-300x190Mahigit sa 800 players mula sa 71 koponan ang sasabak sa WVL, dinala ang event bilang isa sa pinakamalaking youth volleyball tournaments sa bansa.

Nasa ilalim ng pamumuno ni league commissioner Florentino “Kid” Santos, ang interschool tournament ay aarangkada sa developmental at competitive matches sa Metro Manila para sa mga kabataang volleyball players na may edad 9 hanggang 16 na mula Enero hanggang marso.

Bilang recipient ng prestihiyosong Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame Award, ang WVL ang magkakaroon ng 13 schools na sasabak sa 13-Under Developmental Division, 7 sa 13-Under Competitive Division, 29 sa 17-Under Developmental Division at 22 sa 17-Under Competitive Division.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Noong nakaraang taon, tinanghal na kampeon ang Hope Christian High School at Colegio de San Agustin, Makati sa 17-Under at 13-Under Competitive Divisions, ayon sa pagkakasunod. Muling magbabalik sa liga upang idepensa ang kanilang mga korona ay ang 13-Under Developmental Division champions na Escuela de Sophia of Caloocan, Inc. at 17-Under Development Division na La Consolacion College.

Gumabay para sa 19th season ng BEST Center’s WVL ay si Chris Sports Marketing Manager Arleen Lindo, Milo Sports Executive Robbie De Vera, BEST Center President coach Nicanor Jorge, at FEU Women’s volleyball players Charmaine Simborio, Bernadeth Pons at Genevieve Casugod.

Pinasinayaan din ng star players, na mula sa Far Eastern University (FEU) Women’s Volleyball Team, Lady Tamaraws, ang season opening sa pangunguna nina Genevieve Casugod, Bernadeth Pons at Charmaine Simburio sa Xavier School Gym sa San Juan City kung saan ay inilahad din nila ang mensahe ng encouragement sa players, officials, at spectators.

Para sa karagdagang impormasyon sa BEST Center Women’s Volleyball League, bumisita lamang sa BEST Center Inc. Facebook page www.facebook.com/pages/BEST-Center-Sports-Inc o tumawag sa BEST Center Hotline, 411-6260 at 372-3066.

Nasa ika-36-taong selebrasyon sa pakakaloob ng basketball legends, ang Best Center ay ang pioneer scientific sports clinic sa bansa at napagkalooban ng Olympism Award ng Philippine Olympic Committee (POC), at iniluklok na Hall of Fame ng Philippine Sportswriters Association (PSA).