Enero 27, 1302 nang ipinatapon ang makata at pulitikong si Dante Alighieri (1265-1321) mula sa Florence sa loob ng dalawang taon, matapos siyang kasuhan sa pagbebenta ng political posts. Inatasan din siyang magmulta ng 5,000 lire, at pinagbawalan nang maglingkod sa gobyerno habang buhay.

Nabalitaan ito ni Dante habang siya ay nasa Siena.

Bago naparusahan, ipinag-utos ni Dante ang pagpapatapon sa kanyang mga kaaway sa pulitika, at inakda ang “The Divine Comedy” upang protektahan ang kanyang pamilya sa mga pag-atake mula sa iba’t ibang bayan.

Nagmula si Dante sa isang simple at disenteng pamilya. Binatilyo siya nang magsimulang magsulat ng mga tula, at nagsilbing inspirasyon niya ang mga kilalang makata. Mula 1302, ilang lungsod at kastilyo ang naglaan ng matutuluyan para sa kanya. Noong 1310, idineklara ni Dante ang pagdating ng tagapagligtas, sa isang liham na para sa mga Italyano.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Taong 1321 nang masawi siya sa Ravenna dahil sa malaria.