Isang 29-anyos na scavenger ang nagpagkamatay sa pagbibigti sa isang puno ng narra sa Paco, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Noel Berongoy, residente ng 14 Cristobal Street, Paco.

Batay sa report ni Detective Mario Asilo, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 6:45 ng gabi nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima sa puno sa Quirino Extension, malapit sa Paz Street, sa Paco.

Huling nakita ng ilang kabataan na buhay ang biktima na ‘tila aburido habang nagpapabalik-balik sa lugar hanggang sa nakita na lang ito na nakabigti sa puno gamit ang isang electrical wire.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Inaalam na ng pulisya ang tunay na dahilan sa pagpapatiwakal.