Mga laro ngayon: (MOA Arena)

4:15 p.m. Kia Motors vs. Globalport

7 p.m. Meralco vs. Barangay Ginebra

Maagang masusubukan kung epektibo ba para sa tropa ng pinakapopular na ballclub ng liga, ang Barangay Ginebra San Miguel ang istilong `run-and -gun` na ibinalik ng kanilang balik-head coach na si Ato Agustin sa pagsalang nila ngayong gabi sa pagbubukas ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

Matatandaan na nangapa nang husto ang Kings at nahirapang mag-adjust sa `triangle offense` na itinuro sa kanila ng dating head coach na si Jeff Cariaso na naging susi upang hilingin ng mga player ang pagpapalit dito at pagbabalik ni Agustin.

Sa pangunguna ng import na si Michael Dunigan, umaasa ang supporters ng Kings na aangat ngayon ang kanilang koponan lalo pa at nangako si Agustin na sisikapin nilang i-maximize ang talento, diskarte at bilis ng kanilang mga guard na sina LA Tenorio, Mark Caguioa, Josh Urbiztondo at Chris Ellis upang maibigay nila nang husto sa kanilang twin-tower na sina Japeth Aguilar at Greg Slaughter ang matinding laban.

Para naman sa tropa ni coach Norman Black na naunahan ng Kings sa pagkuha sa serbisyo ni Dunigan, ipaparada nila ang import na si Joshua Davis na dating kakampi ng NBA star na si Khawi Leonard sa US NCAA.

Magtutuos ang dalawang koponan sa tampok na laro sa ganap na alas-7:00 ng gabi matapos ang pambungad na salpukan sa pagitan ng Kia Carnival at ng Globalport sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

Inaasahang mabibigyan ngayon ng atensiyon at panahon ng kanilang playing coach na si Manny Pacquiao, at sa pamumuno ng 7-foot-3 import na si Peter John Ramos, ang koponan upang maiangat ang kanilang performance mula sa pagtatapos na ika-11 sa nakaraang Philippine Cup.

Para naman sa kanilang katunggaling Globalport na gagabayan pa rin ng interim coach na si Eric Gonzales, ipaparada nila ang dating North Carolina State standout at 23-anyos na NBA D-League veteran na si CJ Leslie.

Samantala, muling mamimigay ang PBA bilang kanilang pasasalamat sa naging pagtangkilik ng fans sa nakaraang Philippine Cup ng mga libreng tiket para sa general admission section ng MOA Arena, bago magsimula ang laro.