Susuyurin ng Ronda Pilipinas 2015 na iprinisinta ng LBC ang 17 rehiyon sa Pilipinas sa paghahanap ng mga bagong talento na hangad gawing kampeon na tulad nina Reimon Lapaza at Mark Galedo upang mapalakas ang pambansang koponan na isabak sa internasyonal na mga torneo.

Sinabi ni Ronda Pilipinas Executive Project Director Moe Chulani na target nilang maibigay sa mga lokal na siklista ang pambihirang tsansa na makapaghanap-buhay, maliban sa oportunidad na maging miyembro ng national team, taunang karera na suportado ng LBC at itinataguyod din ng major sponsor na MVP Sports Foundation.

Ang edisyon ng karera ay halos ng mga miyembro ng kasalukuyang national team na sina Galedo, Ronald Oranza, Rustom Lim at George Oconer kung saan ay pawang produkto sila ng Ronda Pilipinas na siyang pinakamalaki at pinakamayamang karera sa Pilipinas at Asya kung saan ay may basbas ito ng PhilCycling.

“We want Ronda to be a vehicle for our Filipino cyclists especially the young and talented ones while giving them a chance to make a living,” sinabi ni Chulani. “But of course, the main goal is to help the country harness these young talents and train them to be world-class international competitors.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kaya naman sa unang pagkakataon, sa nakalipas na limang edisyon ng karera ay nagdesisyon ang Ronda organizers na magsagawa ng qualifying leg sa Luzon, Visayas at Mindanao na magsisimula sa Mindanao qualifying round sa Pebrero 8 at 9 sa Butuan City, Cagayan de Oro, Tubod sa Lanao del Norte at Dipolog.

Mula sa Dipolog, tutulak ang Ronda caravan patungong Negros para sa Visayas qualifying leg simula Pebrero 11 at 12 sa Dumaguete, Sipalay at Bacolod bago bumalik sa Norte para sa eliminasyon sa Luzon sa Pebrero 15 at 16 na gaganapain sa Antipolo City at Tarlac City.

Mahigit 100 riders ang papasok sa tatlong qualifying races para makasikad sa championship round sa Luzon kung saan ay makakasama nila ang seeded na sina 2014 Ronda Pilipinas champion na si Lapaza ng Butuan City at Galedo at Ronald Oranza na Asian Cycling Championship-bound national team at ang siyam kataong composite na European team na binubuo ng Danish cyclists para pag-agawan ang top purse na P1 milyon mula sa LBC.

Hangad naman ni Ronda administration director Jack Yabut ang malaking pangangailangan para hikayatin ang mga bata ngunit puno ng talento na Junior riders na may edad 17 hanggang 18 upang makalahok.

“We’re trying to lure young talents particularly the 17-18 age group. Of course, if they join, they will have their own specific rules to protect them. Overall, we want to unearth the talent out there,” sinabi ni Yabut sa karera na iprinisinta ng LBC at suportado MVP Sports Foundation kasama ang Maynilad, NLEX, Standard Insurance, Petron, Greenfield City, Viking Rent A Car at Radio1 Solutions at sanctioned ng PhilCycling na pinamumunuan ni Tagaytay City Congressman Abraham “Bambol” Tolentino.