Hindi umano nakatataas ang ipinapatupad na batas sa bansa ng Philippine Olympic Committee (POC).
Ito ang nagkakaisang sinabi ng mga miyembro ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na nagsidalo at isinagawa ang pinakaaasam na lehitimong eleksiyon noong Linggo ng hapon sa Alano Hall sa Philippine Navy Golf Club kahit na walang representante ang POC.
Nahalal ang siyam na katao na bubuo sa Executive Board mula sa dumalong 42 mga miyembro sa unang general assembly ng asosasyon sapul noong 2010 na inaasahang ookupahan naman ang iba’t ibang komisyon na napag-usapan sa pagpupulong bago isinagawa ang eleksiyon.
Muling nakasama sa ibinotong opisyales si Edgardo Cantada, na una nang iniluklok bilang PVF Chairman sa unang pagpupulong noong Enero 7, sa nine-man board na dinaluhan ng mga personahe na mula sa dating dalawang nag-aagawang paksiyon sa volleyball.
Pagbobotohan naman ng mga inihalal sa board ang kanilang magiging opisyal na posisyon bilang bagong opisyales ng asosasyon na bubuuin ng presidente, chairman, at secretary general.
Nahalal din sa PVF board na magsisilbi sa loob ng dalawang taon (2015-16) ang iniupo noon na PVF president na si Karl Chan, dating PAVA president Victorico Chavez, Roger Banzuela, Ricky Palou at dating national team member at broadcaster Mozzy Ravena.
Nakasama din sa board, na muling magsasagawa ng kanilang eleksiyon sa Disyembre 2016, ang sports journalist na si Al Mendoza, Arnel Hajan at si Mariano Diet See.
Nakuha ni Chan ang pinakamalaking bilang ng boto na 42, kasunod si Cantada (41), ikatlo si Banzuela (41), ikaapat si Palou (38), ikalima si Chavez (36), ikaanim si Hajan (35), ikapito si Mendoza (34), ikawalo si See (33) at ikasiyam si Ravena (23).
Itinuloy ng PVF ang kanilang eleksiyon kahit na walang opisyal ng POC na mag-oobserba na isang requirement para sa lahat ng national sports association’s na miyembro ng natatanging