ANTIPOLO CITY - Kalaboso ang isang 46-anyos na lalaki matapos siyang ireklamo ng panggagahasa sa isang 17-anyos na dalaga sa taniman ng munggo sa Barangay Calawis, Antipolo City, Rizal.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, inaresto si Dolphy Villoren, may asawa, ng Sitio Apia, Bgy. Calwis, Antipolo City, sa panghahalay sa dalagitang kanyang kabarangay.

Lumitaw sa imbestigasyon ni PO1 Rubu Guadalupe na dakong 4:00 ng hapon at namimitas ang dalagita ng munggo sa kanilang taniman nang biglang lumapit si Villoren at niyakap at tinakot ang biktima hanggang sa halayin sa mismong taniman.
National

'Di nagdrama!' Robredo, dumalo sa lahat ng SONA noon ni FPRRD -- Ex-OVP spox