SI Miss Colombia Paulina Vega ang kinoronahang 2015 Miss Universe, sa 63rd annual pageant na ginanap sa Florida International University sa Doral City, Florida, kahapon.
Si Miss USA Nia Sanchez, 24, ang first runner-up. Sinundan siya ni Miss Ukraine Diana Harkusha. Si Miss Netherlands Yasmin Verheijen ang nasa ikatlong puwesto. At fourth runner-up naman si Miss Jamaica Kaci Fennell.
Tinalo ni Vega ang 87 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sinabi ni Vega, 22, estudyante ng business administration mula sa Barranquilla, Colombia, na ang mga patimpalak bago ang Miss Universe ang una niyang sinalihan. Sinabi rin niya na ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Colombia matapos ang kanyang reign.
“It will be a dream come true to represent the woman of today. A woman that not only cares about being beautiful and being glamorous, but also cares about being a professional, intelligent, hard-working person,” sabi ni Vega nitong unang bahagi ng linggo nang talakayin ang papel ng magwawagi sa pageant ngayong taon.
Samantala, si Sanchez ay may fourth-degree black belt sa Tae Kwon Do at nilibot ang bansa para turuan nito ang mga bata. Nagpahayag siya na mahalaga ang kakayahan ng kababaihan na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga krimen.
“It’s just something that’s so prevalent in our society and why not empower women to take control of a dangerous situation into their own hand,” ani said.
Si Miss Nigeria Queen Celestine ang nanalong Miss Congeniality; si Miss Puerto Rico Gabriela Berrios ay Miss Photogenic; at si Miss Indonesia Elvira Devinamira, ang nag-uwi ng Best in National Costume Award.
Ang pambato ng Pilipinas na si Mary Jean Lastimosa ay nakapasok sa final 10 kasama sina Miss Venezuela Migbelis Lynette Castellanos, Miss Spain Desire Cordero, Miss ArgentinaValentina Ferrer, at Miss Australia Tegan Martin.
Ang Today Show personality na si Natalie Morales ang host ng show. Si Miss Colombia ay kinorohanan ni outgoing Miss Universe, Gabriela Isler ng Venezuela. Kabilang sa mga nagtanghal ang mga singer na sina Nick Jonas at Prince Royce. Nagsilbing mga hurado sina Kristin Cavallari, Emilio Estefan, Nina Garcia, DeSean Jackson, William Levy, Manny Pacquiao, Louise Roe at Lisa Vanderpump.
Matapos ang pageant, nagpaskil ng mensahe si MJ sa kanyang Instagram at nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya. “So proud to be a Filipino! Man, cant express how grateful I am to everyone! Im filled with love right now! Love you all! Godbless us! Mabuhay!” saad ni MJ.