ISA sa pinakabagong aabangan ngayon sa Asya ang Asia’s Got Talent. Ang Asia’s Got Talent ay bersiyon ng regional franchise ng Got Talent na binubuo ng iba’t ibang bansang may sariling prangkisa ng naturang show na nagpapamalas sa kakayahan ng bawat contestant sa pagkanta, pagsayaw, magicians, komedyante at iba’t ibang klase pa ng pagtatanghal. Walang pinipiling edad ang nasabing talent competition dahil gaano ka man katanda o kabata basta’t may talento kang ipapakita ay maaari kang sumali.
Ipapalabas ang Asia’s Got Talent sa Marso ng 2015 sa halos 20 bansa sa Asya. Ang Asia’s Got Talent ay sixty-third-version ng franchise. Matapos itong mabili ng AXN Asia ay agad namang inilabas ng AXN ang ilan sa mga kilalang tao na magiging bahagi ng palabas bilang judges kasama ang award-winning composer and music producer na si David Foster, ang dating miyembro ng Spice Girls na si Melanie C, Indonesian singer na si Anggun at ang nagbabalik na miyembro ng F4, ang Taiwanese-American singer-actor na si Vanness Wu.
Malaking karangalan naman para sa ating bansa ang balita na dalawa sa kilalang celebrity hunks, host at models ang magiging parte ng Asia’s Got Talent bilang hosts. Hindi maitago ang excitement ng dalawa nang malaman nila na sila ang napili ng AXN Asia na maging host matapos ang matagumpay nilang laban sa Amazing Race sa ikalawang puwesto. Ito ay sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez.
Naging parte ang dalawang celebrity hunks at bestfriends ng Amazing Race Asia na umabot sa ikalawang puwesto at naging malaking ring balita dahil sa matagumpay at maayos na pagrerepresenta sa bansa.
Nitong Enero 24, 2015 nalaman ng dalawa na sila ang magsisilbing host ng nasabing patimpalak at agad naman itong tinanggap at ipinagpasalamat.
Ayon sa post ni Marc Nelson sa kanyang Instagram account: @marcnelson, “At long long last the secret is out! Sorry to keep you all in the dark for so long, but I’m very happy to announce that my good buddy Rovilson and I are the hosts of the Biggest Talent Show in the World... Asia’s Got Talent! woohoo!! We just wrapped judges auditions and they were awesome! So privileged to be working alongside our amazing judges Melanie C, Van Ness Wu, Anggun and David Foster. It’s going to be epic.”
Halos hindi naman makapaniwala si Rovilson Fernandez na makakasama niya ang ilan sa pinakamagagaling sa kanilang mga larangan, at ayon sa kanya, “It’s Happening. I’m proud and honored to be co-hosting with my bro @marcnelson, the “Biggest Talent Show in the World” Asia’s Got Talent. We are blessed to have onboard as judges, @melaniecmusic,@____________v____________ ,@anggun_cipta & the legendary@officialdfoster! Such a dynamic and absolutely entertaining team to watch! Dozens of countries represented and mind-boggling acts that will tug at all your emotions. Trust me. THANK YOU to all who helped us get here. We are forever grateful(Serena we did it!) “Asia’s Got Talent... The Biggest Talent Show In The World!” Coming soon,” ani Rovilson.
Noong nakaraang taon pa nag-umpisa ang auditions para sa Asia’s Got Talent at ilan rin sa nakatawag pansin ay ang audtition ni Rodfil Obeso mula sa YouTube sensation duo na Moymoy Palaboy. Ang talent show na ito ay napapanood sa mga bansa sa Asya na unang pagpapalabas nito tulad ng Singapore, Pilipinas, Korea, Thailand, Vietnam, Indonesia, at India pati na rin sa Canada at China. Ang nasabing Got Talent franchise ay binuo ni Simon Cowell ng SYCOtv Company at Fremantle Media.