SIMULA nang lumipat sa ibang TV network ang mahusay na aktor ay nawalan na siya ng endorsements at sponsorship maski na may regular shows siya sa nilipatan niya.Nagtataka naman kami kung bakit nawala, eh, network lang naman ang naiba sa mahusay na aktor kaya nag-usisa kami, at nalaman namin na ibinase sa survey ng ad agency.

Kuwento sa amin ng may-ari ng clothing apparel na nag-i-sponsor sa mahusay na aktor, “Mahina kasi ang bago (TV network), mas malakas ang dati.”

“Nu’ng kinuha namin siya bilang endorser, hindi naman siya masyadong nakatulong sa sales, but since may regular shows siya sa (TV network), hinabol na lang namin ang mileage, pero nitong lumipat na siya sa kabilang network, siguro hindi na namin siya kailangan kasi hindi ganu’n kalakas ang mileage, maski sa ibang bansa hindi napapanood ang mga show, kilala lang ng mga tao sa ibang bansa ‘yung mga lumang artista. Hindi ko naman puwedeng damitan ‘yung mga lumang artista.  We cater young stars, not the old ones.”

Naawa kaming bigla sa mahusay na aktor dahil kaya nga siya lumipat sa ibang network ay para mapansin siya kasi kokonti lang ang artista ng nilipatang network kumpara sa pinanggalingan, pero ang ending nawalan pa tuloy siya ng sponsorships at TVC.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso