KUALA LUMPUR (AFP)— Sinabotahe ang Malaysia Airlines website noong Lunes ng mga hacker na sinasabing may kaugnayan sa Islamic State jihadists at nagpailalang kabilang sa “Lizard Squad.”

Ang front page ng website ay pinalitan ng imahe ng isang tuxedo-wearing lizard, at mababasang “Hacked by LIZARD SQUAD — OFFICIAL CYBER CALIPHATE”.

Mayroon din itong headline na “404 – Plane Not Found”, isang pagtukoy sa misteryosong paglaho ng flight MH370 ng airlines sakay ang 239 katao noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng media ang ibang bersyon ng takeover sa ilang rehiyon ay may mga katagang “ISIS will prevail”.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang Lizard Squad ang grupo ng hackers na sumabotahe sa Sony PlayStation Network at Microsoft’s Xbox Live network noong nakaraang buwan.