Isang negosyanteng Korean ang dinukot habang nakatakas naman ang apat na kasama niya, kabilang sa mga ito ang kanyang asawa, mula sa kamay ng hindi nakilalang kidnapper sa Barangay Surabay sa RT Lim, Zamboanga Sibugay, noong Linggo ng gabi.

Sa report ng RT Lim Police ay kinilala ang biktimang si Nou Sung Hong, 72, negosyante, ng Bgy. Surabay, ng nasabing bayan.

Sinabi ng pulisya na dakong 9:30 ng gabi nang pinasok ng may 10 armadong lalaki ang bahay ng biktima.

Mabilis na naigapos ang mga paa at kamay ng negosyante, gayundin ng kanyang asawang si Hong Nwiseong Lee, at sina Gobui Hong, Gesouk Park at Kim Joeng Beom.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Nabatid na isinakay ang mga biktima sa isang mini van pero mapalad na nakatakas ang apat makaraang magsitalon sa sasakyan.

Agad na nakapagsumbong sa pulisya ang mga nakatakas na biktima at naisagawa ng pulisya ang follow-up operaton hanggang sa matagpuan ang van sa Sitio Limono sa Barangay Roxas, pero wala roon ang negosyante.