NAKATAKDANG ikasal si Jennifer Aniston kay Justin Theroux ngunit hindi niya maalis ang kanyang tingin sa “Bachelor” na si Chris Soles, pag-amin niya sa Access Hollywood.

PHOTO-Jennifer-AnistonSa red carpet ng Screen Actors Guild (ASG) Awards noong Linggo sa Los Angeles, tinanong ni Shaun Robinson ng Access ang aktres na linisin ang kanyang guilty TV viewing pleasure.

“Are you outing me again?” pabirong sabi ni Jennifer kay Shaun. “It’s ‘The Bachelor.’ I’m not gonna lie. Did you see last week’s? Jimmy Kimmel was so funny.”

Sa huling episode noong Lunes, naging guest host si Jimmy sa naturang reality show. Tumulong itong planuhin (at guluhin) ang dates, at nag-shower kasama si Chris at marami pang iba.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

“It’s a train wreck. Have you seen them? You can’t feel bad for them. They’ve done that to themselves just to entertain us,” ani Jennifer. “It’s great junk food.”

Marami pang luha, halik, maluhong dates at rosas ang naghihintay kay Jennifer at sa mga natitirang “Bachelor” ngayong Lunes ng gabi sa 8/7c sa ABC.